Walking on my Toes : Nang si Prince Charming ay hindi talaga Charming :)

Labels

Wednesday, September 11, 2013

Nang si Prince Charming ay hindi talaga Charming :)

Once upon a time,....and they lived happily ever after.

Minsan, "Once upon a time".... masaya silang dalawa hanggang sa, nakakilala ng bagong prinsesa si charming, nakatagpo ng bagong prinsipe si Belle at namuhay silang masaya, kahiwalay ang isa't isa.


SIGE NA NGA. Nakita mo siya, tumi-twinkle ang mga mata. 'Yun 'yun eh, iyong napanood mo sa pelikula. Nagmistulang pina slow motion ang lakad niya, na blurred pa ang background niya, naka-focus ang lens ng mata mo. Parang namagnet na ang pagkakatitig mo sa kanya, naka-zoom pa! 

HAY ISKUL

Kinse anyos at akala mo alam mo na ang pag-ibig. Napanood mo na kasi sa big screen, akala mo kapareho lang sa reyalidad. Mukha ka nang panda dahil sa magdamagang marathon texting ninyo! Kung kahenerasyon mo ko, 2nd year high school, hindi pa uso ang unlimited registration sa mga cell phone companies. Sige, magimpok ka para pang load. 

KOLEThiyo


Naku! 1st heart break mo! Bendisyon na lang ng pari ang kailangan mukha ka nasapian sa kakaiyak mo mag-isa sa kwarto mo. Kung bakit naman kasi kailangan mo pang buklatin muli't muli ang mga litrato, tuyong rosas, mga drawing at mga tinago mong panyo niya. Itago na kasi. Inimagine mo lang iyong slow motion, ang totoo, nagpakabulag ka at inakala mong bumagal ang mundo, pero ang totoo, nagmadali ka. Nadapa tuloy! Gasgas ang puso! 

GAGAraduate

Sa labas ng eskwelahan, iba na ang litrato, iba na ang kulay ng pagibig. Eksperto ka na sa mga pagpapakasakit na dulot ng dumugong puso. Maaaring mayroong nagtagal na relasyon mula pa noong hayskul. Mayroong nauwi sa mga hiwalayan. Pero tuloy lang ang buhay. Diretso ka lang ng OJT. Konting training pa. Gaga ka man noon, syempre eh di gaga ka pa rin hanggang ngayon. Simple. Hindi mo mamamalayan.
MASTERS ka na sa larangan ng pagibig! ♥
Doon mo pa lang makikilala si Mr. Imperfect. Sa wakas lumabas ka na sa fairytale book mo! 
Hindi siya sakay ng puting kabayo, wala rin siyang labit na espada upang ipagtatanggol ka, darating lang siya mula sa kawalan bilang isang nilalang na hindi mo inakala.

Gayun man, maging eksperto ka pa o hindi, magmamahal ka, araw-araw, sa ayaw o sa gusto mo o kahit wala kang pinag-aralan sa larangang ito.

   -Ballereyna



No comments:

Post a Comment