Walking on my Toes : HAKUNA MATATA

Labels

Tuesday, August 21, 2012

HAKUNA MATATA

Sa isang taong naniniwala, hindi uso ang imposible. Bakit hindi natin tingnan gamit ang positibong mata sa senaryong ito: Maaaring malaglag ang bayabas sakto sa bibig ni Juan, kung swerte siya eh. Malay mo kung siya naman pala ang nagtanim ng punong iyon at hindi pala siya tamad, alam lang niyang hindi pa napapanahong mahulog ito, dahil hindi pa oras. Tapos overripe na yung bayabas nung malaglag. Doon niya nalaman na sa susunod, may mga pagkakataong, 'di na kailangan maghintay.Isang bagay lang ang imposible... ang hindi magkamali. At saka, may magic naman talaga, di ka ba naniniwala? Bakit ba may salitang imposible, kung naimbento naman ang salitang posible?

...Kung mayroon akong cartoon character na nais kong mabuhay,                                                                            yun ay si Judy Abott...Una, magpapa-autograph ako dahil idol ko siya! Buti na rin pala at nagka-pigsa ako ng buong summer ng 2001 kaya napanuod ko ang lahat ng episode ng programa niya.Kakaibiganin ko siya at sabay naming aabutin ang pangarap na maging manunulat. 'Pero ako, kahit hindi isang ganap na writer. 
Gusto ko lang makasulat ng isang libro.
Para maging imortal ako sa mundo. Mababasa ako ng mga susunod na henerasyon kahit wala na ang physical body ko. Saka curious ako sa hitsura ni daddy-log-legs! Sigurado, ipapakilala siya sakin ni Judy. 
..Eh paano kaya kung isa rin akong manika na nakatira sa isang magarbong doll house tulad ni Barbie!Gusto ko rin ma-meet ang boyfriend niyang si Ken. Makiki-intriga ako. Itatanong ko kung totoo nga ang napapabalitang nag-break na sila. Alam ko kaya pang maayos nila ang lahat. Sa mundo kasi nila, hindi abnormal mamuhay ng happily-ever-after. 
At alam mo, gustung gusto kong makarating sa Never Land!di ko na kailangang hanapin ang fountain of youth, o magpa-stem cell theraphy dahil automatic na di ako tatanda. Hindi komplikado ang mga bagay bagay.                                                               hahanapin ko si Tinkerbell..at itatanong ko kung pwede niya ba akong lagyan ng pixie dusts para makalipad..'yung kahit sandali lang. Nang sa gano'y,  makikita ko ang mundo  bilang isang   napakagandang painting mula sa itaas.        O pwede rin kayang humingi  ako ng tulong kay Mojacko
na hanapin ang planetang wangis ng earth, sakay ng space ship niya. Naniniwala akong mayroong katumbas ang bawat isa satin naniniwala kong nabubuhay lang sila sa ibang dimensyon. Malamang mas advance na sila kesa satin. Kapag nakarating kami doon nila mojacko at tropapips niya, hahanapin ko yung kamukha ko. Nakakatuwa y'un! Fascination ko ang magkaroon ng kakambal. Pero hindi lang dahil doon. magshe-share kami ng points of view namin at ang pinaka agenda ko, 
  ..... itatanong ko kung ano ang malupit niyang recipe ng Icecream!Pagbalik ko kasi sa planeta ko, magtatayo ako ng ICECREAM SHOP! at ang secret recipe ay mula din sa akin! Mula nga lang sa AIRA ng ibang dimensyon. Astig! Bibili ka ha? May FREE ICE CREAM DAY once a week! 'San ka pa!? :)Tapos dadaanin ko sa ganda ng location ang itatayo kong business,
magpapatulong ako kay Woody Woodpecker sa pagpapagawa ng isang Tree house.Ang icecream shop ko ay nasa isang tree house. Maganda ang ambiance doon, kaya marami akong magiging customer.Hay.. isa na lang ang kailangan ko, paano ako magsisimula! 


UY! Doraemon! baka naman may bagay kang pwedeng ilabas mula sa bulsa mo, para tulungan ako? Dali na pleeeease? Bakit si Novita lagi mo tinutulungan! may favoritism ka naman eh! Be fair!

(FADE to REALITY)


Lahat ng ýon, ilusyon lang. Hindi ko man sila maiwan, hindi ko rin naman nais manatili na lang sa imahinasyon nila. Hindi sila totoo. Paano ba bumitaw at maging matapang na mahulog sa reyalidad na ako ang nagsusulat ng istoya. Hindi nga pala ito cartoon na makulay ang pintura ng paligid; walang nakakalasong mansanas, walang lumilipad na carpet, wala ding lalabas na genie kapag kiniskis mo ang lampara, at higit sa lahat, walang sound effects at glitter effects kapag may minamagic..Ang totoong magic? 'Yung kapangyarihan ng puso mo, puso ko na kahit ano magagawa nito, lahat ng imposible.


Drawing la
ng talaga si doraemon. At sino bang may sabing patas ang planetang earth?Maglalaro ang mga nilalang sa mundo ng mga larong nakakasira para sa isang tao. Maraming alimangong mamimilit sungkitin ang kapwa niyang nakakausad paakyat sa mahirap akyatin na tore.MARAMING SECRET. WALA NAMANG CLUE. wala kang mahahanap,kahit i-hire mo pa si Blues Clues!

....basta sabi nga nila Timon at Pumbaa, "NO WORRIES FOR THE REST OF YOUR DAYS."

....masaya  lang ninanamnam ang bawat paggasgas  ng ating puso't kaluluwa. Kailangan eh! Magkamali ka, matapilok dahil sa taas ng heels, mabangasan dahil sa paglalaro, anong kaso?


...Hakuna Matata. Ang magic phrase, at matutupad ang minsa'y imposibleng pangarap lamang.


                                                                                                                     
   .......ballereyna   ❤

5 comments:

  1. Imagination becomes reality someday ;) -Wine

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks wine, you're a true and a one-of-a-kind friend! :)

      Delete
  2. you've been touched my heart, no goodbyes.. I salute you ;)

    ReplyDelete